1. Nilikha ng Dios ang lahat ng mga bagay maging ang tao
sa loob ng anim na araw at nilagay Nya si Adan at Eba sa halamanan ng Eden.
Ito ang tinatawag na Edenic or INNOCENCE. Natapos sa paghatol ng Dios matapos nilang magkasala.
Gen. 3:17-19
2. Matapos nilang lumabag s autos ng Dios at sila ay
nahulog sa pagkakasala bagama’t si Eba ay nadaya ngunit si Adan ay kusang
lumabag, sila ay inalis ng Dios sa Eden. Ito ang panahon ng CONSCIENCE.
Ito ay natapos dahil sa pagkakasala Gen. 6:11-14 at hinatulan sila ngDios sa
pamamagitan ng pandaigdigang baha sa panahon ni Noah. Gen. 7:11,12,23
3. Pagkatapos ng pagkagunaw sa baha inutusan sila ng Dios
na punuin ang sangkalupaan at muling dumami ang mga tao. Ito ang tinatawag sa
panahon ng HUMAN GOVERNMENT.
Muli silang sumuway at hindi nila ibig na kumalat sa buong mundo kaya sila ay
nagtayo ng tore na simbolo ng kanilang pagkakaisa. Hinatulan muli ng Dios ang
tao at binigyan sila ng iba’t ibang wika upang hindi sila magkaintindihan
hanggang sila ay maghiwa-hiwalay bunga nito. Gen. 11:1-9
4. Matapos maghiwa-hiwalay ang mga tao, sa paglakad ng
panahon, tinawag ng Dios si Abraham upang iwanan ang kanyang mga kamag-anakan
at sumunod sa kagustuhan ng Dios. Nangako ang Dios na siya’y bibigyan ng maraming
anak kahit siya’y matanda na at gagawing malaking bansa at dail sa kanya ay
pagpapalain ang lahat ng mga bansa. Ito ay tinatawag na DISPENSATION OF PROMISE O PANAHON NG PANGAKO Gen .12:1-7.Ito ay natapos sa muling
paghatol ng Dios sa kanila sa pamamagitan ng pagiging alipin sa Egypt sa loob
ng 400 years.
5. Sa panahon na sila ay mga aliping dumadaing abot hanggang langit dahil sa hirap sa
Ehipto, ay nagbangon ang Dios ng isang tagapagligtas na ang pangalan ay Moises.
Dito nagganap ang Exodus o paglikas at binigyan sila ng Dios ng mga kautusan na
kanilang magigging batas sa bansa hanggang sila ay madala ni Joshua sa lupang
pangako . Ito ang panahon ng LAW
ngunit sila ay muling naging masuwayin nahati ang kaharian at hinatulan silang
muli ng Dios at unang ibinigay na bihag sa Assyria ang northern kingdom at
southern kingdom A CAPTIVITY PERIOD.
Matapos makabalik ng Israel sa lupang pangako, nasakop ng Roman empire ang
buong mundo.
6. Habang nasa panahon ng Roman empire ay isinilang ang
Tagapagligtas na nagkatawang tao mula sa langit bilang katuparan ng mga hula sa
Gen. 3:15 at sa Gen.12 kay Abraham. Siya ang mag-aalis ng kasalanan ng buong
sanlibutan,ngunit tinanggihan nila ang Tagapagligtas at pinako sa krus ngunit
matapos ng tatlong araw ay muling nabuhay at umakyat sa langit na Siyang
namamagitan sa ating mga anak ng Dios. Ito ang panahon na ating kinalalagyan
ang panahon ng Biyaya o DISPENSATION
OF GRACE. Ito ay matatapos at hahatulan ng Dios ang sanlibutan sa
pagdating ng Panginoong Hesus upang kunin at dalhin sa langit ang mga anak ng
Dios o sa araw ng RAPTURE.
7. Pagkatapos ng Rapture ay dadanasin ng mga tao sa lupa
ang paghahari ng ng anti-Kristo sa loob ng pitong taon na may daya ng
kapayapaan John 5:43 sa unang 3½ taon ngunit magiging hayag ang kanyang
kasamaan sa ikalawang 3½ taon. 1 Thes. 5:1-3, 2 Thes. 2:1-12. Ang tawag ditto
ay GREAT TRIBULATION. Ito ay
matatapos sa muling pagbabalik ng Panginoon Hesus at pupuksain Nya ang bulaang
propeta, ang hayop at si Satanas mismo ay ikukulong sa bottomless pit. Rev.
19:11-21, 20:1-3
8. Magsisimula naman ang dispensation o panahon ng MILLENIUM. Bilang hari ng mga
hari, Matt. 25:31-34 at Rev. 20:4-6, dito maghahari si Hesukristo sa lupa ng
isang libong taon kasama ang lahat ng mga tinubos Isa 9:6-7. Pagkatapos ng isang
libong taon ay muling palalayain si Satanas at susubukin ang mga tao ngunit ang
mga tao ay muling padadaya kaya ang mga susunod sa masama ay tatapusin ng Dios
ang panahon sa paghatol nito.
We
are now in the time that God is giving us Grace. We have an opportunity to get
closer to Him. God wants to reconcile. God loves us so much that He gave His
only Son to be a sacrifice, an atonement for our sins. We need a savior. Salvation
only comes from God, it is the gift of God. The only thing to obtain the gift
is by accepting it. Have you accepted the gift of salvation? If you want to
accept God’s gift: ask Him. Ask Him today!

No comments:
Post a Comment